Monday, October 3, 2011

classic filipino movie lines

I found this in my old files...Enjoy! Have a great Monday everyone!




"Ako pa rin ang asawa, karugtong ng buhay, kasiping sa kama!"
Vilma Santos, Yesterday, Today and Tomorrow

"Walang hindi nakakakilala sa pangalang Magnolia dela Cruz, ang hindi nakakakilala sa pangalang ito ay aso lamang!"
Nora Aunor, Bilangin Ang Bituin Sa Langit

"Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao."
Vilma Santos, Relasyon

"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik."
Maricel Soriano, Kaya Kong Abutin ang Langit

"Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!"
Vilma Santos, Saan Nagtatago ang Pag-ibig

"You're nothing but a second rate, trying hard copycat!"
Cherie Gil, Bituing Walang Ningning

"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!"
Nora Aunor, Himala

"Hayop... Hayuuup... Hayuuupppp!"
Nora Aunor, Ina Ka Ng Anak Mo

"Trabaho lang ito, walang personalan."
Rudy Fernandez, Markang Bungo

"Kung saan, kailan, at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!"
Sharon Cuneta, Dapat Ka Bang Mahalin

"Kung hindi tayo kikilos sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?"
Vilma Santos, Sister Stella L

"Darating siya. Alam ko darating siya at mamahalin niya ako para sa mga taong hindi nagmahal sa akin..."
Maricel Soriano, Ikaw Pa Lang Ang Minahal

Alice Dixson: "Mamamatay ako, Ate, pag kinuha mo sa akin si Alex!"
Lorna Tolentino: "Ipalilibing kita."
Lorna Tolentino and Alice Dixson, Nagbabagang Luha

"Oo, inaamin ko, saging lang kami. Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso. Saging lang ang may puso!"
Mark Lapid, Apoy sa Dibdib ng Samar

"She loved me at my worst; you had me at my best, and still you chose to break my heart."
John Lloyd Cruz, One More Chance

"Utang ito, hindi limos. At babalikan kita para bayaran ang halagang ito nang nakatayo habang ikaw naman ang tinatapakan ko."
Charo Santos, Hindi Mo Ako Kayang Tapakan

“Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!"
Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi

"Kelan po tayo magpapakasal, senorito?"
Sharon Cuneta, Pati Ba Pintig ng Puso

"Batugan! Magtrabaho ka!"
Dely Atay-Atayan, John en Marsha

“Oh, yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo LANG ako… and I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend.”
Jolina Magdangal, Labs Kita, Okay Ka Lang?

“You made me believe… you made me believe we had a chance.”
Sharon Cuneta, Minsan Minahal Kita

“I love you three times a day!”
Jimmy Santos, I Love You 3 X a Day

“Kung magkakasala ka, ready ka bang magkasala with me?”
Judy Ann Santos, Don’t Give Up on Us

“Wala akong pakialam… ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo sa akin si Jun-jun. Ibalik mo ang... ahhhhh!"
Vilma Santos, Paano Ba Ang Mangarap

"Kanina pa ako rumarampa, wala namang bumibili. Hindi yata araw ng pekpek ngayon."
Cherry Pie Picache, Sibak

"Get out of my house. I don't need a parasite."
Maricel Soriano, Separada

"Maganda ka. Edukada. Pero..."
Maricel Soriano, Abandonada

"Kawawang bata."
Maricel Soriano, Gorio and Tekla

"Ang anak, hindi napapalitan. Ang asawa, nahihiwalayan!
Maricel Soriano, Yesterday, Today And Tomorrow

"Wag kang aarte-arte na akala mo kung sino ka, dahil sampid ka lang dito."
Maricel Soriano, Pinulot Ka Lang Sa Lupa

"You will die a dirty old man."
Nora Aunor, Bilangin Ang Bituin Sa Langit

"Huwag mo akong Terry, Terry! Sagutin mo ang tanong ko: Are you fucking my husband?"
Maricel Soriano, Minsan Lang Kita Iibigin

“‘Yun pa rin! Isip bata ka pa rin hanggang ngayon! Pagod na pagod na ko! Pakiramdam ko, para akong yaya na nag-aalaga ng bata!"
Maricel Soriano, Soltera

"Mula sa pagkabata, ikaw ang magaling; ikaw ang matalino. Pati ba naman pagmamahal ng itay ipagkakait mo. Inagaw mo ang lahat sa akin. Lahat!"
Maricel Soriano, Inagaw Mo ang lahat sa Akin

“Pumapatak ang metro.”
Rosanna Roces, Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga

"Ako legal wife!"
Zsa Zsa Padilla, Mano Po 2

"Oo, Ate, oo, Ate . . . Puro na lang ako oo, Ate!!! Para akong manikang de susi"
Sharon Cuneta, Nakagapos na Puso

"I was never your partner. I'm just your wife . . . kaya hindi mo ko nirerespeto!"
Sharon Cuneta, Madrasta

"Ang mga tala, mataas, mahirap maabot. Pero ipinapangako ko, Inay, bukas, luluhod ang mga tala!"
Sharon Cuneta, Bukas Luluhod ang mga Tala

“Children, tapos na ang klase. And remember, be happy!”
Maricel Soriano, Mila



1 comment:

  1. ..wow...tagalog movies...

    I am not a Pinoy-movie lover, though :)
    ..but one of the lines I will never forget was Nora's, I think.. "Walang himala..."

    ReplyDelete