Well, maaga akong gumising kanina kasi maaga akong natulog kagabi. At syempre, maaga din akong bumangon. Hanubah! Puwede din naman kasing maaga ka ngang nagising pero di ka pa bumabangon. Ayun! Turo kasi ng lola ko, once na nagising ka, bangon agad para mas magaan ang pasok ng grasya.
Iisa lang ang ibig sabihin pag maaga akong bumabangon, maaga din akong lumalabas ng selda. Syempre nagsisipilyo muna pero bawal ang maghilamos. Ewan ko ba, nakakasira daw sa mata yun sabi ng ex-bestfriend ko nung tinuturuan pa niya ako sa photography. Mas ok pa daw na punasan mo na lang. Huwag namang gumamit ng baconator na pinampunas mo sa tamod mo, lol. Natawa kasi ako dun sa post ni Mugen about The Baconator.
Pag pasok ko ng office, andun na pala si boss na nagkakape. Maaga ding nagising kasi magjo-jogging pa daw.
Nainggit ako kaya nagtimpla din ako ng kape ko. Kumuha ng Skyflakes tapos sabay dip sa condensed milk. Yummy! Sulit na ang breakfast ko.
Habang gumagawa ng daily report, pinapanood ko yung video ni Lady Gaga na Edge of Glory. Malay ko baka magustuhan din uli ni boss, haha.
Wala lang. Isang masayang Sabado sa inyong lahat!









